Umabot sa P4.59 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bacolod City Police Office (BCPO) City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa isinagawang buy-bust operation kung saan nadakip ang dalawang suspek sa Bacolod City.
Kinilala ang mga suspek sina Anthony Tiboy Solon, 38-anyos, at Erwin Boy Belenio, 34-anyos.
Ayon kay Lt. Joven Mogato, hepe ng CDEU, nadakip ang mga suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Bata, lungsod ng Bacolod.
Pahayag pa ni Mogato, aabot sa P3-K ang halaga ng iligal na droga na nakuha sa dalawang drug suspect.
Maliban dito, nasamsam din sa loob ng bahay ni Solon ang karagdagang 675 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P6800 kada gramo o kabuuang P4.59 million.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — sa panulat ni Jenn Patrolla