Inaasahang ibibigay na ng Saudi government ang P4.6 bilyon na sahod ng nasa siyam na libong Overseas Filipino Workers na napilitang umuwi makaraang hindi pasuwelduhin ng kanilang mga employer.
Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng ibigay ang nasabing halaga sa oras na bumisita sa Pilipinas ang kanyang counterpart na si Ahmed Al-Rajhi sa Disyembre.
Ayon kay Bello, ang nasabing hakbang ng pamahalaan ng saudi arabia ay isang magandang pamasko para sa mga OFW.
Magugunitang nagtungo ang kalihim sa Saudi Arabia noong isang linggo upang dumalo sa sixth ministerial consultation ng Abu Dhabi dialogue. — sa panulat ni Drew Nacino