Nasabat ng mga awtoridad ang P4.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana mula sa tatlong lalaki sa ikinasang operasyon sa lungsod ng Tarlac.
Ayon sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG), nahuli ang mga hindi pinangalanang suspek sa Barangay San Nicolas.
Sinasabing kabilang sa mga nakumpiska mula sa mga ito ang nasa 24 bricks ng dried marijuana, 26 rolled dried marijuana leaves, at dalawang bote ng cannabis oil.
Sa hiwalay namang operasyon sa Concepcion, Tarlac, isang magkapatid ang nakuhanan ng P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.