Tinatayang nasa P4.8-M na halaga ng marijuana ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Benguet police at anti-illegal drug units sa Bakun, Benguet.
Ayon kay Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar, ang higit 6,000 damo sa Sitio Dacap Kayapa ay pinagtulungang sunugin ng mga elemento ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Drug Enforcement Unit-Benguet, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Wala namang nadakip ang mga operatiba ng pamahalaan matapos matunugan ng mga nagbabantay o may ari ang pagdating ng mga awtoridad sa naturang lugar.