Aabot sa P4-B pondo ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa fertilizer subsidy ng mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay DA Assistant Secretary Noel Reyes, ang mataas na presyo ng fertilizer o abono ay isa sa pinaka matinding problema ng mga magsasaka bunsod ng malaking halaga sa presyo ng langis.
Sinabi ni Reyes na karamihan sa mga abonong inaangkat sa Pilipinas ay nagmumula pa sa mga bansang may produksiyon ng langis kung saan, tumriple na ang presyo nito.
Bilang tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo, ay namamahagi ang ahensya ng pondong alokasyon sa pamamagitan ng mga voucher. —— sa panulat ni Angelica Doctolero