Pinag-aaralan pa ng Department of Trade Industry (DTI) ang iba pang detalye ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) kaugnay sa kanilang hiling na dagdag na apat na piso para sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.
Ito’y dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials sa paggawa ng mga nabanggit na tinapay.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na importante na makumpleto at matiyak na may pinagbabasehan ang naturang grupo sa kanilang hiling na taas presyo.
Paliwanag pa ni Castelo na ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay basic needs kaya kasama ito sa suggested retail price (SRP) bulletin.
Iba aniya ang kategorya ng noche buena products kaya noche buena price guide lang ang kanilang ilalabas sa December.