Aabot sa P4-M halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad mula Nigerian na nagpakilalang pastor.
Ayon sa mga otoridad, inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Interdiction Task Group, dahil sa parcel na naglalaman ng shabu na dumating sa bansa noong Huwebes.
Kinilala ang naaresto na si Ubatuegwu, nagpakilalang pastor ng isang christian church sa Las Piñas.
Nakadeklara ang parcel bilang electric steamer, pero naghinala ang mga otoridad kaya sinuri ito at nalamang shabu ang laman.
Nasa 588 gramo ang timbang ng shabu.
Samantala, nang hanapin ng mga otoridad ang receiver ng parcel, isang babae ang tumanggap na inutusan umano ng girlfriend ng pastor.
Dumipensa naman si Ubatuegwu na wala siyang alam na may lamang droga ang parcel.
Aalamin naman ng mga otoridad kung kabilang sa West African syndicate si Ubatuegwu.