Nasa apat na milyong pisong halaga ng smuggled carrots ang nakumpiska ng Bureau of Customs.
Kasunod na rin ito nang nakuhang report ng customs hinggil sa pagpasok ng misdeclared agricultural products sa bansa.
Carrots ang bumungad sa mga otoridad nang inspeksyunin ang mahigit 2,000 karton sa halip na steamed buns na idineklarang laman nito.
Ikinakasa na ng mga otoridad ang kaso laban sa trading company at broker ng smuggled items.