Nabuking ng mga awtoridad ang P4-milyong halaga ng sigarilyo na idineklara bilang “paper hand towel” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ipupuslit sana patungong Australia ng isang lokal na kompanyang nakabase sa Novaliches, Quezon City ang nasabing kargamento.
Ngunit nang suriin ng mga taga-customs ang shipment ay nadiskubreng hindi pala mga paper towel ang laman kundi nasa 2,520 reams ng sigarilyo.
Agad na nagpalabas ng warrant of seizure & detention laban sa mga nasabat na yosi bunsod ng misdeclaration habang posible ring sampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng illegal exportation ng mga nasabing produkto.