Hindi pa rin naibibigay sa pamilya ni transgender Jennifer Laude ang P4 na milyong pisyong kompensasyon na iginawad dito ng korte sa pagkamatay ng biktima.
Ayon kay Julita Cabilan, ina ni Laude, maging sina Atty. Harry Roque at Atty. Virgie Suarez na pawang private lawyers ay hindi nagsasabi sa kanila hinggil dito.
Giit ni Cabilan, kakailanganin nila ang naturang halaga para sa pag-aaral ng mga kapatid ni Jennifer na sina Rex at Maimai.
Matatandaang na-convict si US Marine Joseph Scott Pemberton sa pagpatay kay Laude noong January 2014.
By Jelbert Perdez