Halos nagamit na ang kabuuan ng mahigit sa P4-T national budget para ngayong 2020.
Sa kanilang pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ni Finance Secretary Sonny Dominguez na mahigit sa P352-B na ng national budget ang nagamit sa COVID-19 response.
Sa ngayon aniya ay nakakasapat pa ang pondo subalit marami pa ring problemang haharapin dahil wala pang katiyakan kung hanggang kelan COVID-19 pandemic.