Humirit sa DTI ng apat na pisong dagdag-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ang grupong Panaderong Pinoy at Philippine Baking Industry Group.
Ito ay matapos tumaas ang presyo ng trigo bunsod ng kaguluhan sa Russia at Ukraine na pinagmumulan ng 30% ng global wheat exports.
Ayon kay Chito Chavez, Presidente ng Panaderong Pinoy, maliban sa epekto ng taas-presyo ng harina, malaki rin ang naging dagok sa kanila ng taas-presyo ng langis at COVID-19 pandemic.
Umaasa naman ang Presidente ng Philippine Baking Industry Group na si Johnlu Koa na kahit hindi maging isang bagsakan ang taas-presyo basta ay maaprubahan lang.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng dalawang grupo ang tugon ng DTI sa apela.