Aabot sa 40 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Palanan, Makati City.
Ayon sa PNP-DEG, nasa anim na kilo ng hinihinalang iligal na droga ang kanilang nakumpiska na isinilid sa mga tea bag.
Naaresto naman ang dalawang suspek na tumangging magbigay ng pahayag.
Sinabi ni PNP-DEG Acting Deputy Director for Operations Police Col. Roel Rodolfo na ang mga nakumpiskang droga ay may kaugnayan sa dalawang kilong shabu na nasamsam sa lungsod noong nakaraang araw.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung mayroon pang mga natitirang droga mula sa kaparehong source. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)