Nasamsam ng mga otoridad ang mahigit P40-M halaga ng iligal na droga sa Lapu Lapu City, Cebu.
Kinilala ang mga naaresto na sina Reny Dente Nabor, 48-anyos; Rhodora Diaz Dayuha, 50-anyos; at Sterlita Millanes, 40-anyos na nasa regional priority top 10 list sa iligal na droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), narekober sa mga suspek ang labing isang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na dalawang kilo at nagkakahalaga ng P14-M.
Bukod pa dito, nakumpiska din sakanila ang apat na kilo pang shabu na may street value na P27-M.
Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng mga naarestong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero