Pinababalik ng ilang mambabatas sa Department of Budget and Management (DBM) ang P400 million pesos na kinaltas nito sa 2016 budget ng DOLE o Department of Labor and Employment.
Ayon sa mga Kongresista, dapat bigyan ng sapat na pinansyal na kakayahan ang DOLE para maging epektibo ang mga programa nito partikular ang employment program.
Una nang inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na P106 million pesos lamang mula sa P364 million pesos na hinihingi nila sa DBM para sa jobstart program ang ibinigay nito.
Bukod pa ito aniya sa kinaltas na P200 million pesos sa P700 million pesos na hinihingi nila para bilang ayuda sa mga personnel na maaapektuhan ng K to 12 Program.
By Judith Larino