Inihayag ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko na aabot sa 400 milyong piso ang ipamamahagi ng Japan government sa Pilipinas bilang dagdag sa pagbili ng vaccine cold chain equipment ng bansa.
Layunin nitong madagdagan ang mga cold chain transport at kagamitan para sa vaccination program upang mas lalong tumaas ang vaccination rate sa gitna pandemiya.
Ang naturang kasunduan ay sa pagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Department of Health (DOH) bilang bahagi ng suporta sa muling pagbangon ng bansa mula sa sakit na COVID-19.
Planong buohin ng pamahalaan ang higit 70 refrigerated at service truck units, 1,000 transport boxes para sa mga bakuna, ice pack freezer, thermometer, at iba pang kagamitan na ipapakalat naman sa buong bansa katuwang ang DOH.—sa panulat ni Angelica Doctolero