Matinding paghihigpit ng sinturon ang gagawin ng pamahalaan sa susunod na taon kasunod ng suspension sa dagdag na excise tax sa petrolyo simula Enero 2019.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nasa apatnapu’t isang (41) bilyong piso ang mawawalang pondo ng pamahalaan dahil sa pagsuspindi sa excise tax.
Sinabi ni Diokno na posibleng ihinto muna ang pagbili ng mga sasakyan para sa pamahalaan, limitahan ang mga biyahe at ipag-utos ang pagtitipid ng tubig at kuryente.
Tiniyak ni Diokno na hindi apektado ng suspensyon ng dagdag na excise tax sa petrolyo ang Build Build Build at pondo para sa edukasyon at kalusugan.
Muling nilinaw ni Diokno na ang sinuspindeng excise tax ay ang nakatakdang dagdag sa Enero ng 2019 at hindi ang umiiral nang excise tax ngayong taon.
—-