Arestado ang isnag high-value target matapos masabat dito ang P414M na halaga ng shabu na nakasilid sa tea bags sa Marilao, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Jalon Laureta.
ayon sa mga otoridad, madali lamang daw para kay Laureta na makipagtransaksyon sa lalawigan ng Bulacan dahil ipinadadaan nito sa ilog at dagat ang droga.
Depensa naman ni Laureta, isinama lamang siya ng kanyang kapatid para magmaneho at hindi niya alam na may droga silang dala.
Samantala, nauna nang nahuli ang kapatid ni laureta sa hiwalay na operasyon. – sa panulat ni Mara Valle