Nakumpiska ang nasa P421,000 halaga ng shabu mula sa dalawang suspek sa San Fernando, Pampanga, kahapon.
Batay sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Pogi” at alyas “Kalbo,” isang menor de edad na parehong residente ng Barangay Bulaon ng lungsod.
Ayon sa police report, nakuhan ang mga suspek ng 13 sachet ng shabu na may bigat na 62 gramo.
Haharap ang dalawang suspek sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni John Jude Alabdo