Nagbigay ng P42M na donasyon ang European Union para sa mga biktima ng bulkang Taal.
Ang naturang pondo ay bahagi ng Acute Large Emergency Response Tool ng EU na inaasahang magbebenepisyo sa halos 300,000 katao na apektado ng pagputok ng bulkan.
Ayon sa opisyal ng EU, handa ang union na suportahan ang mga Pilipino at matulungan ang magbalik sa normal ang buhay ng mga evacuees.
Kasama sa ipagkakaloob na humanitarian assistance ay mga emergency shelter, essential househol items tulad ng mats, blankets, hygiene kits at access sa malinis na tubig.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa 63,000 katao pa rin ang nananatili sa evacuation centers sa kabila ng pagbuti ng sitwasyon ng bulkan.