Aminado ang Department of Environment and Natural Resources na naghahanap na sila ng P43 bilyon para sa rehabilitasyon ng Manila bay.
Sa house budget hearing, inihayag ni DENR Undersecretary Jonas Leones na nasa P3 bilyon na ang nailaan sa proyekto simula noong 2019.
Ayon kay Leones, gagamitin ang pondo sa iba’t ibang proyekto sa Manila bay partikular na ang relokasyon sa mga residente at pagpapanumbalik sa kalidad ng tubig.
Para naman sa susunod na taon 2022, inilatag ng DENR ang nasa P1 bilyon sa rehabilitasyon ng Manila bay.—sa panulat ni Drew Nacino