Natanggap na ng bus operators na nagbibigay ng libreng sakay sa Edsa Busway ang karagdagang 445.66 million peso compensation sa ilalim ng third phase ng Service Contracting Program (SCP).
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Cheloy Garafil, ang nasabing halaga ay bayad sa ika-6 hanggang ika-13 linggo ng SCP Phase 3.
Gayunman, pino-proseso pa anya ang bayad para sa ika-14 at ika-15 linggo.
Tiniyak ni Garafil na nakikipag-ugnayan na sila sa mga Public Utility Bus (PUB) consortia na nag o-operate sa Edsa Busway upang masimulan ang payment process para sa week 15 at 16 na nagtapos noong huling linggo ng Hulyo.
Una nang inireklamo ng mga PUB drivers at operators ang atrasadong bayad sa ilalim ng programa.
Sa kabila nito, siniguro rin ng LTFRB Chief na magpapatuloy ang kanilang pagtugon sa mga issue kaugnay sa kasalukuyang Public Land Transportation System.