Isang call center agent ang natangayan ng 44,000 pesos matapos maloko sa isang text scam na nag aalok ng trabaho.
Kinilala ang biktima na si Erika Sagales, 21 anyos na saktong problemado sa pera at naghahanap ng extra na pagkakakitaan nang makatanggap ng isang text mula sa scammers.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan at pinaghahanap ng mga otoridad ang responsible sa pangloloko.