Nasabat ng mga awtoridad mula sa Bureau of Customs (BOC) at Manila International Container Port (MICP) ang sari-saring mga smuggled na produkto sa Alamanza sa Las Piñas.
Sa bisa ng kautusan ni Commissioner Rey Guerrero, nagsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad sa isang storage facility sa lungsod na pinaglalagakan ng ilang chinese medicines sigarilyo at mga pekeng kagamitan.
Mababatid na sa pagtataya ng ahensya, aabot sa P45 milyong ang kabuuang halaga ng samu’t-saring smuggled products ang kanilang nasabat.
Kasunod nito, nahaharap ang mga tao sa likod ng mga smuggled products sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tarrif Act.