Umabot sa P455-B ang nagastos ng gobyerno nitong nagdaang Nobyembre.
Mas mataas ito ng 10.24% o mahigit P42-B kumpara sa nagastos noong 2021 para sa kaparehong buwan.
Ang departamentong may pinakamabilis na gastos ay ang capital outlay projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Malaki rin ang ginastos ng pamahalaan sa pagbibigay o payouts kaugnay sa social protection programs ng Department of Social Welfare and Development.
Maliban sa dalawang ahensiya, kasama rin sa pinaggastusan ng gobyerno ay ang year-end bonus at cash gift para sa mga kawani ng pamahalaan at ang National Tax Allotment sa mga nasa lokal na pamahalaan.