Kinuwestiyon ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Eliseo Rio ang umano’y overpriced na 5-month contract ng gobyerno para makapaglagay ng libreng WiFi sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Rio, masyadong malaki ang P466-milyon na ibinayad ng gobyerno sa apat na kumpanya para maisakatuparan ang ‘free WiFi internet access in public places project’.
Ani Rio, anong maaaring gawin ng publiko sa limang buwang libreng WiFi at napakalaking halaga ang ibinayad ng gobyerno para dito.
Hindi nagustuhan ng dating opisyal ang katwiran ng DICT na kaya mahal ang naturang internet ay dahil sa kalidad na speed para umano makapanood ng Netflix.
Giit ni Rio, para sa publiko ang libreng WiFi at ito ay para magamit nila sa pag-aapply ng online government services, maka-usap ang kanilang pamilya at sa edukasyon ng mga mag-aaral.