Aabot sa P48.1-M na halaga ng food and non-food items ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 75,168 pamilya sa 3,208 evacuation centers sa 17 rehiyon na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Undersecretary Edu Punay, 560,000 pamilya o katumbas ng may 2.1 milyong indibidwal ang nakatanggap ng ayuda mula sa ahensiya.
Sinabi ni Punay, na bukod sa kanilang ipinamahaging food and non-food items, bibigyan din nila ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng kani-kanilang mahal sa buhay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Program ng DSWD.
Sakop din ng naturang programa ang mga sugatan at nawalan ng tirahan.
Samantala, nanawagan naman ang ahensya ng karagdagang volunteers para sa pagsasagawa ng repacking aid at non-financial donations sa mga Paeng affected areas.