Mabibili na sa mga pamilihan ang P48 kada kilo ng commercial rice sa Zamboanga City.
Ito’y matapos tumaas ang suplay ng murang bigas sa pamilihan na umabot sa 4,000 sako mula sa 2,000 sako kada araw.
Ayon sa National Food Authority (NFA), minadali nila ang pag-tugon sa patuloy na pagsipa ng presyo ng bigas sa lungsod.
Bilang aksyon ay kanilang dinagdagan ang binabagsak na suplay ng bigas sa mga pamilihan upang bumaba ang presyo nito.
Magugunitang isinailalim kamakailan sa state of calamity ang Zamboanga City matapos umabot sa P72 kada kilo ang presyo ng bigas sa lalawigan.