Aabot sa 487 milyong piso ang ibinigay na donasyon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) bilang shelter assistance ng mga nasalanta ng bagyong Odette.
Ayon kay DHSUD Chief Eduardo Del Rosario, pinangunahan ito ng National Housing Authority (NHA) kung saan nasa 97,500 pamilya ang matutulungan.
Ginawa rin ito bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo.
Tinatayang nasa 597,779 kabahayan ang nasira ng bagyong Odette partikular na sa regions 4b, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BANGSAMORO region.—sa panulat ni Abby Malanday