Nasungkit ng nag-iisang bettor mula sa San Fernando, La Union ang P49 million na jackpot prize sa Lotto 6/42 draw.
Ayon kay PCSO general manager Royina Garma, ang hindi pinangalanang mananaya ang kauna-unahang jackpot winner mula nang magbalik-operasyon ang lotto.
Natumbok ng masuwerteng bettor ang winning number combination na 03-11-06-19-33-10.
Matatandaang inanunsiyo ng PCSO na balik-operasyon na ang ilan sa mga sangay nila sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine.