Aabot sa mahigit P4M ng droga ang nasabat ng Pasay City Police sa isang buy-bust operation sa lungsod kahapon.
Sa nasabing operasyon, nagsanib-pwersa ang Philippine National Police – Drug Enforcement Unit Group at iba pang police units.
Isang 41 taong-gulang ang suspek na babae na nakatira sa Caloocan City.
Nakuha rito ang nasa 700 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang transparent na plastic.
Bukod sa hinihinalang shabu, nakuha rin sa supek ang cellphone, P1K halaga ng buy-bust money, pitaka, samu’t saring id at ang kaniyang motorsiklo.
Dinala na sa tanggapan ng PNP-DEG ang suspek para doon imbestigahan para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Dangerous Drugs Act. —sa panulat ni Abby Malanday