Naglabas ang Department of Trade and Industry ng 5.2 billion pesos na loan para sa mga maliliit na negosyo na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay trade secretary Ramon Lopez, ang nasabing halaga ay sakop ang halos 30K loan application na naaprubahan ng Small Business Corporation na financing department.
Ayon pa kay Lopez, ang nasabing bilang ng aplikasyon ay patuloy sa pagtaas dahil nakatanggap ang loan program ng kagawaran ng karagdagang 2.4 billion pesos.
Naunang sinabi ni lopez na ang mga matinding tinamaan na sektor sa gitna ng pandemya ay ang turismo, transportasyon, entertainment, retail at iba pang non-essential sectors.—sa panulat ni Rex Espiritu