Timbog ang isang babae matapos mahulihan ng 5.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operations sa Ormoc City.
Batay sa pulisya, nagsagawa ng operasyon noong nakalipas na Biyernes sa barangay Linao kung saan nahuli si alyas “madam lyka”, 44 taong gulang.
Kabilang sa nakuha sa suspek ang 59 plastic sachet ng hinihinalagang shabu na may street value na tinatayang nasa P5.2-m, 500 buy bust money at sling bag.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon