Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang 5.268 trillion pesos pambansang pondo para sa taong 2023.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang paglagda sa 2023 General Appropriations Act, sa harap mismo ni Vice President Sara Duterte at ilang miyembro ng kongreso kabilang si Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa Malakanyang.
Ang pambansang pondo ay niratipikahan ng kongreso, na naglalayong pasiglahin ang mga layunin ng administrasyon para sa pagbangon ng ekonomiya.
Kasama rito ang naibalik na 150 million pesos confidential at intelligence fund para sa Department of Education sa pamumuno ni VP Sara at 500 million pesos na halaga ng confidential at intelligence funds sa ilalim ng Office of the Vice President.