Arestado ang isang hinihinalang big-time drug suspect kung saan nasabat mula rito ang 1 kilo ng umano’y cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 million sa Pundohan Tapis, Barangay Sipangkot, Sitangkai sa Tawi-Tawi.
Kinilala ni Sitangkai Police Chief Capt. Alberto Bartolome, ang suspek na si Basir Daud, 49 taong gulang.
Sinabi ni Bartolome na ilang araw muna nilang isinailalim sa surveillance ang suspek bago nasakote.
Maliban sa droga, nakumpiska ang isang M-16 Armalite rifle mula sa suspek na nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.