Aabot sa P5.3 million na halaga ng smuggled cigarettes ang sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Irawan, Puerto Princesa City Palawan.
Pinangunahan ni BOC Puerto Princesa Port Collector Gladys Fontanilla-ESTRADA, ang pagsira sa 207 boxes at 3,507 reams ng mga sigarilyo na nakuha mula Agosto a-16 hanggang a-18.
Sinaksihan ng mga tauhan ng Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard Palawan, at National Bureau of Investigation Puerto Princesa District Office ang pagsira sa mga iligal na produkto.
Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pagkakasabat sa mga nakumpiskang sigarilyo habang hinigpitan narin ng mga otoridad ang pagbabantay sa mga border para makontrol ang pagpasok ng iligal na produkto sa bansa.