Naharang ng pamahalaan ng Negros Occidental ang pagpasok ng mahigit P5.4-M halaga ng manok at mga produkto nito sa kanilang lugar.
Ayon kay Provincial Veterinarian Renate Decena, nasamsam ang nasa 27, 377kg ng nasabing produkto pagdating sa Bacolod Silay Airport, mga daungan sa Bacolod at Escalante City gayundin sa mga checkpoints sa Kabankalan City.
Una nang ipinag-utos ni Governor Eugenio Jose Lacson ang 16 na araw na pagbabawal sa pagpasok ng naturang alagang hayop at mga produkto mula sa lahat ng rehiyon sa bansa hanggang Marso a-15 bilang pag-iingat sa mga kaso ng Bird flu sa ilang lugar sa Luzon. —sa panulat ni Airiam Sancho