Target tapusin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang 5.48 billion pesos na halaga ng proyekto para sa power requirements sa Boracay island.
Ayon sa NGCP, kakailanganin ng grid expansion at mga proyektong susuporta sa pag-unlad ng naturang isla upang masolusyonan ang lumalaking pangangailangan nito sa kuryente.
Sinabi ng ahensya na kanilang pagtitibayin ang submarine cables ng Boracay at ia-upgrade ang mga pasilidad mula sa kasalukuyang 69 kilovolts hanggang sa 138 kilovolts na isang long-term solution sa lumalawak na demand sa kuryente ng Boracay na kilalang Wold’s Best Travel Destinations.
Bukod pa dito, tutugunan din ang overhead transmission lines at cable terminal stations na makatutulong sa isla sa susunod pang mga taon.