Pumapalo sa 808 kilos o katumbas ng P5.5-B na halaga ng shabu ang nasabat ng awtoridad sa loob lamang ng isang linggo.
Ipinagmalaki ito ng PNP matapos masabat ang 229 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.5-B sa magkasunod na operasyon sa Imus City at Bacoor sa Cavite.
Ayon kay PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar, ang mga nasabat na droga ay bahagi ng bigtime operation sa Zambales na sinundan pa sa Bataan noong Setyembre 7.
Dalawa ang napatay habang dalawa rin ang naaresto sa mga naturang operasyon kabilang na ang nasawing si Basher Bangon na may direktang kaugnayan sa international drug syndicate na nag-o-operate sa Visayas at Mindanao
Binigyang-diin ni Eleazar na ang operasyon ay patunay na hindi natitinag ang awtoridad para lagasin ang mga nasa likod ng kalakalan ng ilegal na droga sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.—sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)