Nakaamba ang muling pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo sa ika-sampung linggong pagtaas bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ang pagtaas sa presyo ng diesel ng maglalaro ayon sa ulat ng P5.30 centavos hanggang P5.50 centavos habang sa gasolina ay P3.50 centavos hanggang P3.70 centavos kada litro, pinakamataas na dagdag-presyo sa krudo sa nagdaang isang dekada.
Nabatid na gumagamit ang local oil industry ng mean of platts Singapore, isang trading transactions sa pagitan ng buyers at sellers ng petroleum products.
Samantala, ang presyo ng Unioil Petroleum Philippines, sa darating na trading week ngayong March 8 hanggang 14 ay nagpapakita ng pagtaas ng presyo ng diesel sa P4 kada litro at P3 naman per liter sa gasolina. —sa panulat ni Mara Valle