Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P5.6 million na halaga ng ukay-ukay sa Davao Port.
Ayon sa BOC, bed sheets, thin blankets, sapatos, bags, stuffed toys at mga gamit na damit ang nilalaman ng kanilang nasamsam na container mula sa nasabing port.
Malinaw aniyang nilabag nito ang batas na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga used-clothes.
Kasabay nito, hinikayat naman ng BOC ang publiko na huwag tangkilin ang naturang mga nagamit ng damit dahil sa posibleng panganib na dala nito sa kalusugan.