Nasa 5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang magkahiwalay na nakuha sa dalawang sementeryo sa Cebu City.
Unang naaresto ang taga-gawa ng lapida sa sementeryo ng barangay Carreta kung saan nakuha ang 475 gramo ng iligal na droga.
Itinuturing na high value ang naarestong salarin na sinasabing pangunahing nagsu-supply ng droga sa lugar.
Pinaghahanap naman ang anak nito na sinasabing nakatakas sa isinagawang operasyon.
Sa Chinese cemetery naman sa pareho ring barangay ay nakuha naman ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng isang daang libong piso (P100,000).
Inamin ng suspek na nagtutulak siya ng iligal na droga para kumita ng pera.
—-