Aprubado na ng budget department ang P5-bilyong dagdag na budget para sa emergency fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa isinasagawa nitong pagpapauwi sa mga displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Sa pahayag ni Budget Assistant Secretary Rolando Toledo, inilabas aniya ang naturang Special Allotment Release Order (SARO) noon pang ika-24 ng Hunyo.
Dagdag pa nito, ang naturang inirelease na P5-bilyon sa OWWA ay nanggaling naman sa pooled savings, sa ilalim ng section 4 na Bayanihan law.
Samantala, alinsunod sa Bayanihan law, kabilang sa kapangyarihan ng pangulo ang pagre-realign nito ng mga pondo mula sa national budget para magamit sa paglaban ng pamahalaan kontra COVID-19.