Humihirit ng dagdag na P5 piso sa minimum na pasahe ang Philippine National Railways (PNR).
Simula sa buwan ng Hulyo, nais ng pamunuan ng PNR na ipatupad ang pagtataas ng singil sa P1.07 sentimo mula sa P0.71 sentimo kada kilometro o magiging P15 pesos na ang minimum fare.
Samantala, kinumpirma naman ni PNR General Manager Joseph Allan Dilay na balik-operasyon nasa June 15 ang biyaheng Tutuban Alabang ng PNR at sa susunod na dalawang buwan naman ay balik-biyahe na rutang Alabang Laguna.
Gayunman, ipinabatid ni Dilay na magkakaroon muna ng dry run sa biyahe ng PNR sa June 10.
Nabatid na P500,000 piso ang lugi ng PNR sa kada araw na hindi ito bumibiyahe.
By Judith Larino