Ipinanukala ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ang pagbibigay ng P5-K wage subsidy sa tinatayang 1-M minimum wage earner sa small enterprises.
Ayon kay Bello, isinumite na niya ang proposal kay Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi pa ito inaaprubahan.
Kinumpirma naman ni Director Rolly Francia ng Information and Publication Service ng DOLE na ang proposal ay para sa mga manggagawang pinaka-naapektuhan ng COVID-19 pandemic at pagtaas ng inflation rate dulot ng Oil price hike at basic services.
Sa ilalim ng panukala ng kalihim, ibibigay ang P5,000 sa mga manggagawang nasa Interim period habang tinatalakay na rin ang hirit na minimum wage hike ng iba’t ibang regional wage boards.
Maglalatag pa anya ng mechanics pero pawang ang mga kumpanya ang magsusumite ng application habang magiging first-come, first-served basis ang approval gaya sa COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP).
Ang CAMP ang cash assistance program ng DOLE para sa mga minimum wage worker na labis na naapektuhan ng pandemya.