Tinatayang P5 million halaga ng cocaine ang natagpuan sa karagatang sakop ng bayan ng Baras sa lalawigan ng Catanduanes.
Ipinabatid ni Lt. Michael Albania, hepe ng Baras-PNP na itinurnover sa kanila ng manginigsdang John Anthony Tabinas ang isang brown package na nakita nitong palutang lutang sa dagat.
Naniniwala aniya silang ang nakuhang droga ay may kaugnayan sa mga naunang floating cocaine na nasabat sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region.
Dadalhin na sa PNP Crime Laboratory ang nasabing floating cocaine para maimbestigahan.