Aabot sa 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 5 milyong piso ang nakumpiska ng Philippine National Police o PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA nang salakayin ang isang condominium unit sa Alabang Muntinlupa kaninang umaga.
Mismong si PNP Chief Oscar Albayalde ang nagprisinta ng nakumpiskang droga sa press conference kanina sa Camp Crame.
Walang naaresto sa isinagawang raid.
Pero pinaghahaap na ang may-ari ng condo unit na isang Chinese national na kinilalang si Li Hong Peng na lider umano ng isnag drug syndicate.
Naaresto na ang mga tauhan ni Peng sa operasyon ng PDEA at P-DEG sa Alabang at Makati nitong Marso.
Ayon sa P-DEG, naaresto na nil si Peng noong 2012 matapos mahulihan ng 20 kilo ng droga pero nakalaya ito matapos payagang magpiyansa ng San Juan Regional Trial Court.
—-