Aabot sa limang milyong piso ang posibleng mawala sa gobyerno dahil sa ipinatupad na bawas taripa sa pag-angkat ng mga produktong agrikultura.
Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), malaki ang epekto sa bansa ng Executive Order 171 na nagtatapyas sa import duties ng karne, bigas, mais at uling sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Dahil dito, naniniwala ang grupo na sapat nang rason ang pagtataya kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior para i-reject ang mungkahi ng mga economic managers nito na panatilihin ang mababang taripa sa inaangkat na bigas hanggang sa pagtatapos ng 2023.
Matatandaang sa pag-aangkat ng bigas, mahigpit na kakumpitensiya ng Pakistan ang Vietnam, na pinakamalaking exporter ng bigas sa Pilipinas.