Welcome kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang pagtatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang milyong pisong pabuya laban sa mga ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Albayalde, sa ganitong paraan aniya ay mahigpit na mapipigilan nito ang mga pulis na magpatuloy pa sa kanilang mga masasamang gawain.
Dagdag ni Albayalde, magsisilbi rin aniya itong isang insentibo sa mga mabubuting pulis para tumulong na maalis ang mga ‘ninja cops’ sa kanilang hanay.
Gayunman tiniyak ni Albayalde na naayon sa batas ang kanilang mga operasyon laban sa mga ‘ninja cops’ at tiwaling pulis.
Magugunitang nito lamang Biyernes, inihayag ni Pangulong Duterte na kanyang bibigyan ng sampung libong piso ang makapaghaharap sa kanyan ng buhay na ‘ninja cops’ habang limang milyong piso naman kung patay ito.