Magkakaloob ng P5 milyong donasyon si Presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong nasawi sa bumagsak na C-130 plane.
Ayon sa mga mambabatas, bahagi ng naturang donasyon ay mula sa business sector ng Davao City at Benguet.
Nakatakdang i-turn over ang donasyon sa Lunes sa Camp Aguinaldo na tatanggapin ng mga ranking officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ipapamahagi ang tulong sa mga pamilya ng nasawi at sugatang sundalo at sibilyan.
Umakyat na sa 53 ang patay sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.